Pokwang, hindi tinanggap ang pagbati sa kanya ni Lee O’Brian nitong Mother’s Day: “Plastic!”

Marami ang kinilig sa pagbati ng American actor na si Lee O’Brian sa kanyang dating partner na si Pokwang nitong Mother’s Day.

Sa kanyang post nitong Mayo 14, 2023, ibinahagi ni Lee ang kanyang pagbati kay Pokwang, at sa iba pang babae na naging parte ng kanyang buhay kasama narin ang lahat ng kababaihan.

“Happiest of Mother’s Day to all the mothers out there – to my very own, to the mother of my child, to my aunts and cousins, friends, and all the women – who raise and nurture their children. We literally would not be here without you!! Thank you for what you do.” ani Lee.

Advertisement

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lee O’Brian (@leeobrian)

Pinuri naman ng mga netizens si Lee dahil sa kahit na ilang beses itong binatikos ni Pokwang sa publiko ay hindi parin nito nakalimutan na batiin ang kanyang dating partner.

Nagbigay naman ng negatibong tugon si Pokwang sa mensahe ni Lee para sa kanya at tinawag itong ‘plastic’.

Naniniwala ang komedyante na ginagamit lamang siya ni Lee dahil sa mayroon itong pelikula.

Advertisement

“Bigla may pa post ka ng happy mother’s day to the mother of my child? hahahahaa PLASTIC! mga nakaraan wala naman tse! porke my movie? mangga mangga hinog ka na ba? USE IN A SENTENCE? TAMA KANA ACCLA!” ani Pokwang.

Matatandaan na nag-umpisa ang isyu sa pagitan ni Pokwang at Lee ng malaman ng komedyante na mayroon na diumanong ibang babae ang American actor.

Advertisement

Dito na ibinunyag ni Pokwang ang mga naging problema nila ni Lee kasama na dito ang diumano’y hindi paggawa ng paraan ng kanyang dating partner para kumita ng pera at suportahan ang kanilang pamilya.

Sinabi rin ni Pokwang na pakiramdam niya ay hindi siya minahal talaga ni Lee.

Facebook Comments Box