‘Ninong’ Christian Merck Grey, dedma sa paniningil ni Xander Ford para sa binyag: “

Ilang araw na ang lumipas ngunit tila hindi pinapatulan ng influencer na si Christian Merck Grey, o mas kilala bilang si ‘Makagwapo’ ang mga banat sa kanya ni Xander Ford.

Matatandaan na kinuhang ninong ni Xander si Makagwapo para sa binyag ng kanyang anak at umaasa ito na makukuha niya ang P349,000 na pakimkim mula sa kilalang influencer.

Ngunit lumipas ang mga araw ay hindi na nagparamdam pa si Makagwapo kay Xander kaya naman nag-umpisa ng maningil ang kontrobersyal na content creator.

Ayon kasi kay Xander ay nangutang pa sila para mabinyagan ang kanilang anak, ngunit hindi naman pala tutuparin ni Makagwapo ang diumano’y pangako nito na P349,000.

“Ang gusto lang namin dito ay makuha ‘yung para sa’min,” ani Xanmder. “Alam naman namin at alam naman niya na talagang sinasabi sa amin ‘yon, na pinangako niya sa’min yon.”

“Yung lang ang gusto naming mangyari dito na sana ibigay mo nalang samin ‘yung P349,000 na ipinangako mo samin,” dagdag pa niya.

Nanawagan din si Xander na sana’y sagutin siya ni Makagwapo.

Ngunit sa mga latest post ni Makagwapo ay tila wala itong balak na pansinin si Xander.

Sa ngayon ay tila abala ang influencer sa pagdiriwang ng Mother’s Day kasama ang kanyang pamilya.

“Happy mother’s day ang dalwang babae sa buhay ko,” ani Makagwapo.

Sa ngayon ay naghihintay ang mga netizens kung papatulan nga ba ni Makagwapo ang mga paratang sa kanya ni Xander na kilalang kontrobersyal dahil sa mga nagiging aksyon nito sa social media.

Facebook Comments Box