‘Sobrang zero kami ngayon’ Xander Ford nanawagan sa mga celebrities para mabawi ang ginastos na P349,000 sa binyag

Trending sa social media ang naging binyag ng anak ni Xander Ford nitong nakaraang linggo dahil sa hindi naiwasan ng influencer na magpatama sa mga ninong at ninang na kanyang inimbitahan ngunit hindi sumipot.

Ngunit nitong Mayo 11 ay lalong lumaki ang kontrobersiya matapos batikos ni Xander ang influencer na si Christian Merck Grey dahil sa napako diumano ang pangako nito na sasagutin ang P349,000 na gastusin sa nasabing binyag.

READ MORE: Sagot mo dapat ninong! Xander Ford sinisingil ng P349,000 si Christian Merck Grey para sa nagastos nito sa binyag.

Sa isang live video ay idinetalye pa ni Xander ang mga paratang niya laban kay Christian na kilala din bilang si ‘Makagwapo’.

Ayon sa kanya ay dapat hindi na lamang nangako si Christian sa kanya lalo na’t umasa siya na sasagutin talaga ng kilalang influencer ang binyag ng kanyang anak.

Dahil dito ay napilitan si Xander na gumastos ng daan daang libong piso para sa binyag na hindi niya na diumano nabawi.

Ibinunyag pa niya na nagkaroon siya ng mga utang para lamang magastusan ang binyag ng kanyang anak.

Sa ngayon ay humihingi ng tulong si Xander sa kanyang mga kakilalang celebrities na sana’y tulungan siya na mabawi ang nagastos niya sa binyag.

“Sa mga kaibigan ko diyan na mga influencer, sa mga nasa showbiz na kaibigan ko, nananawagan po ako sa inyo na sana kahit hindi kayo nakapunta sa binyag ng anak ko, tulungan niyo nalang po sana ako na kahit mabawi ko lang ‘yung para sa amin,” ani Xander.

Sa ngayon ay wala pang tumutugon na mga kaibigan ni Xander sa kanyang panawagan.

Ayon sa ilang netizens ay magsilbing aral sana ang nangyari kay Xander na huwag gagastos ng magarbo sa isang pagdiriwang lalo na kung hindi naman talaga nila ito kayang gastusan.

Facebook Comments Box