Rendon Labador, gigil na gigil kay Michael V: ‘Bitoy dati natatawa pa ako sayo, ngayon hindi na’

Hindi na nakapagpigil pa ang motivational speaker na si Rendon Labador at gumawa na ito ng video upang banatan ang kilalang komedyante na si Michael V.

Sa kanyang video, sinabi ni Rendon na hindi niya ikinatuwa ang naging paalala ni Bitoy para sa mga content creators at influencers na dapat ay alamin nila kung ano ang ibig sabihin ng ‘content’.

Iginiit ni Rendon na ang mga influencers ay mas sikat na ngayon sa mga artista na mapapanood sa telebisyon.

“Influencers are the new celebrities. Ngayon Michael V. sabihin mong mali ako, pag napatunayan mo na mali ako, magde-delete ako sa Facebook,” ani Rendon.

Advertisement

“Marami rin kasing mga artista na mayayabang, akala mo kung sino pero laos naman. Pasensya na kung may nasaktan man kami diyan. Wala kayong magagawa kundi sumunod samin ngayon. Era namin to,” dagdag pa niya.

Itinanggi rin ni Rendon na siya ay nagyayabang at tanging katotohanan lamang ang kanyang mga sinasambit.

“Kayong mga artista kahit magsama-sama pa kayo wala akong pakialam sa inyong lahat,” aniya.

Pinaalalahanan din nito si Michael V. na huwag mangialam sa diskarte ng mga influencers.

Advertisement

“Alam mo bang negosyo namin yan? Hindi niyo ba alam ang pagiging content creator ay negosyo yan. Hindi mo ba alam Michael V. ang ibig sabihin ng ‘mind your own business’ bakit ka nakikialam,” aniya.

Ayon pa sa kanya ay dapat hindi na mangialam pa si Bitoy sa mga content creators.

Naniniwala naman si Rendon na natuto na ang mga tao ngayon at nagkaroon ng sariling platform sa pamamagitan ng social media kaya naman mas sumisikat na sila ngayon kaysa sa mga artista.

Advertisement

Paliwanag niya ay hindi naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon maging artista noon, ngunit dahil sa tulong ng social media ay marami ang nagkakaroon ng tsansa na sumikat.

Payo naman ni Rendon sa mga artista ay gamitin ang social media para sa sila ay maging sikat ulit at hindi na malaos.

Facebook Comments Box