Gena Mago, hindi natuwa sa pag-post ng partner niyang si Xander Ford tungkol kay ‘Makagwapo’: “Sisikat lang lalo yan”

Hindi ikinatuwa ni Gena Mago ang inilabas na mensahe ng kanyang partner na si Xander Ford laban sa kanyang kumpare na si Christian Merck Grey na mas kilala bilang si ‘Makagwapo’.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Gena na dapat ay hindi na pinangalanan pa ni Xander si Makagwapo lalo na’t mapapakinabangan lamang nito ang isyu sa kanya.

“DAPAT DIMO NA SINABI PANGALAN NYAN BAKA MAG TRENDING PAYAN TAO NAYAN AT DAPAT DINA TINUTULARAN YAN. IDOL KO ASAWA NYAN PERO YAN HINDI SOBRANG EKIS,” sabi ni Gena.

Matatandaan na binatikos ni Xander si Makagwapo dahil sa hindi ito sumipot sa binyag ng kanyang anak.

Sinisingil din ni Xander ang influencer ng P349,000 dahil sa nangako diumano si Makagwapo na sasagutin ang mga gastusin sa nasabing binyag.

“SANA DINALANG NANGAKO AT NAG SABI PARA DI KAMI UMASA WALA EH SABI NGA NILA LUMAKI KANG MAYABANG TATANDA KANG MAYABANG PURO PANGAKO HINDI NAMAN TUMUTUPAD KUYA MERCK SALAMAT SA PANGAKO MO NGAYUN WALA NAUBOS NAMIN PERA NAMIN PERO MASAYA KAMI KASI NAIRAOS NAMIN ANG BINYAG WAG KA MAG ALALA HINDING HINDI KO YAN MAKAKALIMUTAN,” ani Xander.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Makagwapo sa mga banat sa kanya ni Xander at inaabangan ng mga netizens ang magiging paliwanag nito.

 

Facebook Comments Box