Netizen nagpakita ng suporta kay Jason Facularin matapos ma-coma ang kanyang katunggali

Hindi maitago ng boksingero mula sa South Cotabato na si Jason Facularin ang pagsisisi matapos ma-coma ang kanyang katunggali nitong nakaraang Sabado na si Kenneth Egano.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Facularin ang kanyang pag-aalala kay Egano na tubong Sarrangani province.

Ayon sa ulat ay umabot hanggang sa huling round ang naging laban ni Facularin at Egano at maituturing na mahigpit ang naging pagtutuos ng dalawa.

Ngunit bigla na lamang nawalan ng malay si Egano habang hinihintay ang naging resulta ng laban.

Advertisement

Idineklarang panalo si Egano sa nasabing laban.

Sa ngayon ay nasa ospital si Egano at nangangailangan na dumaan sa operasyon dahil sa naging pinsala nito sa kanyang ulo.

Hinimok naman ni Facularin ang mga netizen na ipagdasal ang kanyang katunggali.

Advertisement

“Laban meg [Kenneth] Kayanin mo para sa pamilya mo. Guys pray po natin si Kenneth Egano na safe ang kanyang operasyon at maka recover siya,” ani Facularin.

Nagpakita naman ng suporta ang ilang netizens kay Facularin ang sinabi na dapat ay huwag niyang sisihin ang kanyang sarili sa nangyari sa kanyang katunggali.

“May awa si God. At wag mo sisisihin Ang Sarili mo sa nangyari. But be prepared in every fight.” sabi ni netizen Napoleon Ramos.

Advertisement

“Hindi mo sinasadya laro yan walang may gusto na mangyari yan. Pray lang natin na maging successful ang operation,” komento ni Ninfa Bagauisan.

Samantala ay sinagot naman ni Manny Pacquiao na siyang promoter ng nasabing laban ang pagpapagamot kay Egano.

 

Facebook Comments Box