Lalaki, kinaaliwan ng mga netizens matapos maligo sa banyo ng mga kilalang fast-food restaurants

Isang vlogger ngayon ang viral sa social media dahil sa kanyang kakaibang challenge na ginawa.

Nakuha ng vlogger na si Kaiser Bulintao ang atensyon ng mga netizens dahil sa kanyang pagsubok na maligo sa mga kilalang fast-food restaurant katulad ng Mcdo, Mang Inasal, Chowking at Jollibee.

Makikita sa kanyang video ang kanyang pagbisita sa iba’t ibang banyo ng mga nasabing restaurant.

Gumawa naman ng diskarte si Kaiser para makaligo ito sa pamamagitan ng pagdadala ng sabon at sa paggamit ng bidet upang makaligo.

Tila nilabhan din ni Kaiser ang kanyang underwear gamit ang handsoap na nakalagay sa banyo ng nasabing restaurant.

Sa huli ay nililinis naman ng vlogger ang mga banyo bago niya ito iwanan.

Umabot ng libo libong views sa social media ang nasabing video at kahit na luma na ito ay muli itong nag-trending sa social media.

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang mga nasabing fast-food restaurant kung pinagbabawal nga ba ang ginawa ni Kaiser.

 

Facebook Comments Box