Xander Ford, binatikos ang ninong na hindi dumalo sa binyag ng anak niya: “Bakit ikaw pa ang galit!”

Hindi maitago ni Xander Ford ang pagkadismaya matapos niyang mabasa ang isa sa mga post ng inimbitahan niya na hindi sumipot sa binyag ng kanyang anak.

Sa kanyang Instagram post, binatikos ni Xander ang naging reaksyon ng isa sa mga ‘ninong’ sana ng kanyang anak dahil tila sa eto pa ang masama ang loob.

Ayon kay Xander ay hindi naman niya pinangalanan ang mga pinapatamaan niya sa kanyang post.

“Bakit parang ikaw pa ang galit? Diko naman pinost ang pangalan mo ah. Apektado ka sa story ko sa ninong na hindi naka punta?” ani Xander.

“Una sa lahat ikaw yung nag prisinta na mag ninong galit kapa pag dikita kinuha. May pasabi kapang sagot kuna yung ano ng anak mo kahit wala kanamang ibigay presensya mo na lang ok na dahil yun ang mahalaga sa baby ko,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nagbahagi ng kanyang pagkalungkot si Xander sa kanyang mga nakaraang social media post tungkol sa mga taong inaasahan niya na dadalo sa binyag ng kanyang anak ngunit hindi sumipot.

READ MORE: Xander Ford, masama ang loob dahil sa hindi pumunta ang mga inimbitahan niya sa binyag: “Hindi na kami sikat”

Sa gitna ng isyu ay maituturing na tagumpay naman ang pagbibinyag sa anak ni Xander at isa na itong ganap na Katoliko.

Facebook Comments Box