John Regala, may panawagan sa kanyang mga kasamahan sa industriya: “Sana ay hindi nyo ako matiis sa kalagayan ko, tulungan niyo ko”

Mayroon muling panawagan ang aktor na si John Regala sa kanyang mga kasamahan sa industriya.

Sa kanyang social media post, nakiusap si Regala na isang dating action star na sana’y hindi siya matiis ng kanyang mga dating kasamahan sa industriya.

Advertisement

Ayon sa kanya ay nangangailangan siya ng tulong dahil sa kanyang kondisyon na maari maging dahilan upang hindi na siya makalakad ng permanente.

“Sa mga kaibigan ko sa industriya sana ay hindi nyo ako matiis sa kalalagayan ko tulungan nyo sana ako yung mga concern netizen na bukas ang puso ngaun pa lamang. po ay nagpapasalamat na ako ayoko po talagang maging baldado habambuhay tulungan nyo ako pls mahal kopo kau,” ani Regala.

“Sana po tulungan nio po ako makalakad pa po ako marami napo gustong na malapit kong kaibigan ko at mga netizen namaymatulungin puso ayoko pong maging inutil tulungn nyo po ako kung magkano lang po ang maibabahagi nyo malaking tulong na po yun itanong nyo lang po gcash accct ko,” wika pa ng aktor.

Ngunit tila nadismaya si Regala dahil sa wala diumanong nagbigay ng tulong sa kanya na mula sa kanyang mga kasamahan sa showbiz.

Advertisement

“Mga kapatid ko sa industriyan ngaun ko napatunayan na wala kayong pag ibig sa akin,” aniya.

Natuloy naman ang operasyon kay Regala kahit na hindi ito nakatanggap ng tulong mula sa showbiz community.

Advertisement

Matatandaan na tinulungan na ng ilang artista si Regala ngunit naputol din agad ang kanilang pagtulong dahil diumano sa ugaling ipinakita ng aktor.

Itinanggi naman ito ni Regala at sinabi na wala siyang natatanggap na tulong mula sa mga artista na tumulong sa kanya.

 

Facebook Comments Box