Maegan Aguilar, naglabas ng sama ng loob kay Raffy Tulfo: “Ang babaw daw ng dahilan ko”

Hindi maitago ng singer na si Maegan Aguilar, anak ng legendar OPM singer na si Freddie Aguilar, ang kanyang sama ng loob kay Senador Raffy Tulfo.

Matatandaan na pinutol na ni Tulfo ang pagtulong kay Aguilar dahil sa nagpositibo ito sa paggamit matapos itong magpa-test upang patunayan sana na siya ay nagbago na.

Sa kanyang post sa social media, makikita si Aguilar na naglalakad na lamang muli sa lansangan at naghahanap ng gusali na diumano’y tatalunan niya upang sa gayon ay matapos na ang kanyang paghihirap.

Hindi rin nito naiwasan na damdamin ang mga sinabi diumano sa kanya ni Tulfo na mababaw diumano ang dahilan niya kung bakit siya gumamit ng isang beses sa loob ng 90 na araw.

Ayon kasi kay Aguilar ay hindi narin itinuloy ni Tulfo ang alok na rehabilitation sa kanya.

“Tinawag akong adik kasi nag one-time use ako,” ani Aguilar.

Paliwanag niya ay pinilit lamang siyang pabatakin ng mga kumupkop sa kanilang mag-asawa.

“Naghahanap na po ako ng mataas na building, tatalon na po ako, para matapos na dahil wala naman sakin ang mga anak ko,” aniya

Hindi napigilan maging emosyonal ni Aguilar ng alalahanin niya ang sinabi sa kanya ni Tulfo na ‘mababaw’ ang kanyang dahilan kung bakit siya gumamit muli.

“Hindi ko na po kaya ang laban na ito, nagtagumpay na ang mga nagdarasal na matapos ako sa trahedya talaga, matapos akong mabuhay,” sabi niya.

Sinabi pa nito na wala na silang makain kaya’t imposible na gumamit pa siya muli.

“Wala na nga kaming makain, wala na nga kaming matirhan tapos parang pinapalabas nila na inuuna ko pa [yung bisyo]” wika niya.

Sa kabutihang palad ay hindi natuloy ang plano ni Aguilar at sinabi nito na bumiti na ang kanyang pakiramdam dahil sa ‘nailabas’ niya na ang kanyang mga problema.

“Salamat Lord! Nailabas ko na lahat ng sama ng loob ko at ramdam kong naging mas matatag pa ako ngayon…ang bilis namang dumating ng milagro ninyo sa buhay ko, AMEEN. Salamat at nakakahinga na ako ulit ng maluwag,” aniya.

 

Facebook Comments Box