Zeinab Harake, may bwelta kay Rosmar Tan matapos niyang pagtawanan ang CEO: “Pag kayo natawa pwede pag kami hindi?”

Hindi napigilan ng internet celebrity na si Zeinab Harake na sugurin si Rosmar Tan matapos ibahagi ng beauty line CEO ang kanyang pagkadismaya matapos gawing katatawanan ang kanyang costume sa kanyang ‘Pinalakas’ concert nitong Pebrero 27.

Matatandaan na kumalat sa social media ang reaksyon ni Zeinab at ng Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo kung saan ay mababasa ang kanilang pagtawa sa pagkukumpara sa costume ni Rosmar at ng katunggali nito sa negosyo na si Glenda Victorio.

Agad naman ibinahagi ni Rosmar ang kanyang pagkadismaya sa sinabi ni Zeinab na isa sa mga endorser ni Glenda.

Makikita naman na sinugod ni Zeinab si Rosmar sa kanyang social media post at tinanong kung wala na ba siyang karapatan matuwa.

Ayon rin kay Zeinab ay halata naman daw na ginaya ni Rosmar ang costume ng kanyang boss na si Glenda.

“Ang lilinis nyo, pag kayo natawa pwede pag kami hindi? nung kami yung tumawa masama agad pero sa dami ng basher at nag hahaha react palagi sayo unbothered ka? awit whahahaha tinatanggalan nyo naba talaga kami ng karapatan matawa? di naman tayo friends or mag kakilala personal te at isa pa sinong di matatawa eh obvious naman talagang ginaya.” ani Zeinab.

“May masama bang nasabe jan para masabe nyong masama kami agad? Sa totoo lang tayo mga be wag kayo nagagalit di ako nagagalit pag ako yung pinag tatawanan nyo ha kaya kalma mwa,” dagdag pa niya.

Sinagot naman ito ni Rosmar at sinabi na idolo pa naman niya noon si Zeinab.

“Idol pa naman kita. Naaalala ko pa nung kailangan mo ng props sa vlog mo, nag tricycle pa ako sa recto para mag hanap ng mga kuneho. Dahil gusto ko dalhin sayo para makapag papicture man lang ako sayo, Ending nagbago isip mo kaya di mo na kailangan ang kuneho, kaya di kita nakita. Pero inintindi ko nalang yun at inalagaan ko nalang yung mga kuneho.” ani Rosmar.

Tuwang tuwa naman ang mga netizens sa pagsasabong ng kilalang mga internet celebrities.

 

Facebook Comments Box