Pribadong video diumano ng aktor na si Fino Herrera pinagkakaguluhan ngayon sa social media

Nagkakagulo ngayon ang mga netizens dahil sa pagkalat diumano ng pribadong video ng aktor na si Fino Herrera.

Makikita na nagtrending na sa Twitter si Fino dahil sa mga netizens na hindi mapakali at nanghihingi ng kopya ng video na kuha ang aktor kasama ang diumano’y partner niya na nakasoot pa ng maskara.

Tila hindi naman alintana ng mga nanghihingi na maari silang maharap sa kaso na paglabag sa RA 9995 dahil sa panghihingi ng kopya ng pribadong video ng aktor.

Ayon sa nasabing batas ay ang panghihingi at pagpapakalat ng mga pribadong larawan o video ay mahigpit na ipinagbabawal.

Ngunit tila hindi naman ito naipatutupad lalo na’t napakahirap makasuhan ang libo libong netizens na posibleng hawak na ang kopya ng video daw ni Fino.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Fino tungkol sa kumakalat niyang pribadong video at kung nagbabalak ba siyang magsampa ng kaso sa mga nagpakalat nito.

Matatandaan na nitong nakaraang taon ay pinag-usapan din ang aktor matapos itong maging ka-loveteam ni Sunshin Dizon sa romantic-comedy series na “Marry Me, Marry You.”

Hindi naman inaasahan ni Fino na ipapares siya sa isang magaling na aktres.

“We’re both quiet when we’re off-cam, but when the cameras start grinding, we both get into the moment,” ani Fino.

 

Facebook Comments Box