Lolit Solis, may patama tungkol sa isang artista na nalaos na: “Tanggapin ng wala ka na sa eksena, laos ka na”

Nagbigay ng isang makabuluhang mensahe ang ibinahagi ni Lolit Solis para sa isang artista na diumano’y pinipilit na lamang magkaroon ng eksena.

Sa kanyang post nitong Pebrero 26, sinabi ni Solis na ang nasabing artista ay tila hindi matanggap na ang liwanag ng kanyang bituin ay humuhupa na kaya naman hinimok niya ito na tanggapin na lamang ang kanyang pagkalaos.

“Bakit hindi nila tanggapin with grace na hindi na tulad ng dati ang kasikatan nila. Bakit kailangan pang gumawa ng alibi at palusot ? Hindi ba puwede manahimik at mawala muna sandali sa eksena, mag enjoy sa retirement at huwag ng kung anuano pang dahilan ang sinasabi.” ani Solis.

“Alam mo na hindi ka na sikat pag wala ng natatawa sa jokes mo, pag hindi na nadadala ng mga drama mo ang tao, pag wala ng interest sa mga sinasabi mo. Mas maganda na tahimik mo itong tanggapin, mas respetuhin ka pa ng mga kasamahan mo. Mahirap man tanggapin ito ang talagang reality, minsan nasa itaas ka, minsan nasa ibaba. Hindi ka puwede manatili sa itaas habang buhay, tiyak na meron kang kapalit, kaya huwag ng magpilit.” dagdag pa niya.

Sana’y magpasalamat na lamang diumano ang nasabing artista dahil sa nagretiro ito ng maraming pera.

Mas mainam diumano na hayaan na lamang ng kanyang network na humanap ng susunod sa kanyang yapak imbis na pilitin pa ang kanyang career.

“Hayaan mo ng pumili ng kapalit mo ang network, huwag ng ipilit ang sarili. Kawawa naman kung malugi lang dahil sa iyo di ba, marami mawawalan ng trabaho, sad iyon di ba ? Bongga Salve at Gorgy, itatanong pa ba kung sino ang celebrity na ito, wah na di ba ? Bongga,” aniya.

Hindi naman binanggit ni Solis kung sino ang artista na kanyang binabangit.

Facebook Comments Box