Lj Satterfield 35-anyos na diumano, hinimok na pumasok sa Vivamax

Hanggang ngayon ay usap-usapan parin sa social media ang dating partner ng influencer na si Ronnie Suan o mas kilala bilang si ‘Boy Tapang’ na si Lj Satterfield dahil sa hindi naging magandang katapusan ng kanilang tandem.

Matatandaan na inuulan ng batikos sa social media si Satterfield dahil sa kanyang pag-amin na ‘ginamit’ niya lamang si Suan upang sa gayon ay umangat ang kanyang popularidad sa social media.

Ilan sa mga naging kapalit ng kasikatan na tinatamasa ngayon ng Filipino-American influencer ay ang paglabas ng mga diumano’y personal na impormasyon sa kanyang buhay.

Isa na dito ang totoong edad diumano ni Satterfield na 35-anyos na at mayroon na rin diumano itong 10-anyos na anak ayon sa mga kaibigan ni Suan.

Hindi naman maikakaila na kahit na maraming bumabatikos sa kanya ay may ilang netizens ang naakit sa kagandahang taglay ng influencer kahit na totoo ang mga balita tungkol sa kanyang totoong edad.

May ilang netizens din ang hinimok na sana’y makita nila si Satterfield sa mga susunod na proyekto ng Vivamax na isa sa mga pinakasikat na online streaming site sa bansa.

Sa ngayon ay wala pa namang balita kung makakatanggap nga ba ng alok sa Viva ang influencer.

Hindi naman ito imposible lalo na’t kahit mga kontrobersyal na personalidad ay kinukuha ng nasabing talent agency.

Wala pa naman sagot si Satterfield sa hiling ng mga fans niya na pumasok sa showbiz.

Isa na dito ang model na si Mary Joy Santiago na pumirma kamakailan lamang ng kontrata sa Viva sa gitna ng mga akusasyon na natatanggap nito na diumano’y isa siya sa mga kalaguyo ni McCoy de Leon.

 

Facebook Comments Box