Ronnie Alonte, inamin na ilang beses siyang nagtaksil kay Loisa Andalio: “Ang dami niyang nahuli sa akin”

Inamin ng aktor na si Ronnie Alonte na ilang beses siyang nagtaksil at nahuli ng kanyang kasintahan na si Loisa Andalio sa mga unang taon ng kanilang relasyon.

Sa panayam sa kanya sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Ronnie ang kanyang mga pagtataksil na nauwi sa kanilang pansamantalang paghihiwalay noon.

Ayon sa aktor ay napagtanto niya rin na mali ang kanyang ginagawa.

“Narealize ko din sa dulo na baka karma lang din ito. Tinake ko ‘yun as karma kasi parang ang dami kong kasalanan sa kanya before pa mangyari ‘yun. Ang dami niyang nahuli sa akin,” ayon kay Ronnie.

“Alam niya, nahuli niya ‘ko, so naramdaman ko ‘yung feeling kung gaano kasakit yung ganung pakiramdam.” dagdag pa niya.

Nangyari ito noong hindi pa nila pinapaalam sa publiko ang kanilang totoong relasyon.

“Sa totoo lang, aaminin ko, mali ako. Kasi ‘yung mga nakatrabaho ko dati at ‘yung mga nakasama ko dati, hindi ko nilinaw sa kanila at hindi ko sinabi sa kanila na kami ni Loisa. Tinago ko rin ‘yun sa mga naging ka-partner ko,” sabi pa niya.

Todo naman ang pasasalamat ni Ronnie dahil kahit na ilang beses niyang niloko si Loisa ay tila matibay ang helmet ng dalaga dahil sa hanggang ngayon ay magkarelasyon parin sila.

Sigurado naman diumano si Ronnie na si Loisa na ang babaeng maari niyang pakasalanan.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizens at ang ilan ay hindi kumbinsido na hindi na magagawa muli ni Ronnie ang pagtataksil kay Loisa dahil naniniwala sila sa kasabihan na ‘once a cheater, always a cheater’.

 

Facebook Comments Box