OFW sa Kuwait na si Jenelyn Fiel, nilinaw na hindi siya sinaktan ng kanyang amo: “Nadulas lang po ako”

Nilinaw ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait na hindi siya biktima ng pagmamaltrato ng kanyang amo.

Ito’y sa gitna ng mainit na diskusyon kung kailangan na nga ba dapat itigil ang pagpapadala ng mga domestic helper sa bansang Kuwait matapos ang nangyari kay Jullebee Ranara na pinaslang ng kanyang mga amo.

Habang nagtutulungan ang Kuwait at Pilipinas upang mapanatiling ligtas ang mga OFW ay mayroon muling kumalat na istorya tungkol sa isang domestic helper na minaltrato diumano ng kanyang amo.

Nakilala ang OFW na si Jenelyn Fiel, tubong Zamboanga del Sur na una ng nag-post sa kanyang social media at humihingi ng tulong sa mga netizens.

Makikita sa mga nasabing larawan ni Fiel ang kanyang mga pasa sa mukha.

Larawan mula kay Jenifer Fiel

 

Agad naman pinuntahan ng mga miyembro ng Overseas Workers Welfare and Administration (OWWA) si Fiel upang matignan ang kalagayan nito.

Doon na nilinaw ng domestic helper na nadulas lamang siya habang ginagawa ang kanyang trabaho.

“Hindi po ako sinaktan ng amo ko. Nadulas lang po ako sa kusina habang naglilinis at ngayon ay ako’y nasa Philippine Embassy at bukas ay papauwiin na ako ng amo ko,” sabi ni Fiel.

Hindi naman kumbinsido ang ilang netizens sa sinasabi ni Fiel at maaring pinagtatakpan lamang ng OWWA at ng agency ang amo ng domestic helper upang hindi lumakas ang panawagan na employment ban sa Kuwait.

“Scripted! Magsasabi ng totoo yan pag nakauwi na sa Pinas,” sabi ni netizen Mayk.

“Anong klaseng dulas nangyari sayu kabayan bakit sa mukha ang Tama grabeh pgka sinungaling namn ginawa sayu..” wika naman ni netizen Lorna.

“Ganyan mga teknik ng mga agency….pra makaiwas sa mga issue pagagawin ng written at video ang mga katulong…pra lng wala n sila sagutin at di humaba ang process……mahalaga makalusot sila sa pananagutan…mahalaga magrelease at magpauwi ang amo para ligtas ang agency sa mga aberya……ganyan din pinagawa ng agency sa akin…ung pabor lang sa kanila ang gagawin nila,” komento naman ni Jing Margate.

 

Facebook Comments Box