Pokwang may mensahe sa kanyang namayapang ina: “Sorry Ma. Hindi ako nakinig sayo”

Inamin ng komedyante na si Pokwang na binalaan na siya noon ng namayapang ina na si Gloria Subong tungkol sa pakikipagrelasyon niya sa American actor na si Lee O’Brian.

Sa panayam sa kanya sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ibinahagi ni Pokwang ang kanyang mga natutunan sa nangyari sa kanila ni Lee na sinabing tila hindi siya minahal.

Ayon sa kanya ay ilang beses niyang ipinagtanggol noon si Lee sa kanyang mga magulang lalo na sa kanyang ina.

“Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kanya,” sabi ng komedyante.

Photo from Pokwang.

Ngunit matapos ang kanyang pagtatanggol ay tila hindi parin naging matibay ang kanilang relasyon kaya naman todo ang pagsisisi nito na hindi siya nakinig sa kanyang ina.

Nagbigay din siya ng kanyang mensahe sa namayapang ina.

“Ma, sorry. Sorry Ma, hindi ako nakinig sa’yo. Kailangan ko po ng yakap mo, Ma,” ani Pokwang.

Photo from GMA

Sa ngayon ay wala paring pahayag si Lee kung totoo nga ba ang mga paratang sa kanya ni Pokwang.

Matatandaan na nawalan na ng pag-asa si Pokwang na mabuo muli ang kanilang pamilya ni Lee dahil sa mayroon ng napapabalitang kinakasama ang nasabing aktor.

Inamin naman ni Pokwang na ipinagdasal niya noon ang pagkakabalikan nila ni Lee kahit na hindi naman ito nagta-trabaho para magkaroon ng ambag sa kanilang mga pangangailangan.

 

Facebook Comments Box