Anak ng taxi driver na ginulpi daw noon ni John Regala nagsalita na: “He never get a single cent”

24841

Maalala na biglang nag viral sa social media ang isang lumang news clip kung saan makikita ang dating aktor na si John Regala na nasa magandang kondisyon pa habang dinuduro duro ang isang taxi driver na kanyang nakaalitan.

Sa video ay makikitang gigil na gigil si Regala sa taxi driver na nakilala bilang Rafael Sabuhala at hindi ito nag papa awat kahit na nasa harap na sila ng mga otoridad.

Inakusahan pa ni Regala ang taxi driver na pineperahan lamang siya kaya’t sinabi nitong hindi siya papayag ng hindi natitikman ng kanyang kaalitan ang kamao niya.

Pero ayon sa mga saksi ay naupakan na ni Regala ang taxi driver sa gitna ng kalsada bago pa dumating ang mga otoridad.

“Sige magdemanda siya, hihingi siya ng pera sakin? Bibigyan ko siya ng pera pero bubugb0gin ko muna siya!” ani Regala.

Nangyari ang insidente noong 2008, ilang taon bago makuha ni Regala ang kanyang best supporting actor award sa kanyang pagganap sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Wala ng naging update sa nasabing kaso, pero kahapon lamang ay nagbigay ng komento ang anak diumano ng taxi driver tungkol sa nangyayari ngayong isyu kay Regala.

Ipinakita ng aktor na si Chuckie Dreyfus, na isa rin ngayon sa mga nakaka alitan ni Regala ang comment ni Znhav Smiley Orendain na nagpakilalang anak ni Sabuhala.

Ayon sa kanya, nanalo ang kanyang ama sa kaso laban kay Regala ngunit wala itong nakuha ni singko sa dating artista.

Ito rin diumano ang pinakamasakit na nangyari sa kanilang pamilya dahil napakabait daw ng kanyang ama at hindi ito nararapat na maltratuhin.

“It was the most painful feeling to see your father being treated bad which he doesn’t deserve and I can’t do anything that time because I’m working overseas,” ani Orendain.

“My dad won the case and nhe never gets any single cents from Mr. Regala,” dagdag pa niya.

Ayon kay Orendain ay nasa mabuting kondisyon ang kanyang ama at wala itong sakit na iniinda.

Matatandaan na nahati bigla ang opinyon ng publiko kay Regala matapos itong magkaroon ng alitan sa mga artistang tumulong sa kanya noong siya’y nakitang nasa masama ng kondisyon ilang linggo na ang nakakaraan.

Sinabi ni Regala na wala siyang napakinabangan sa mga donasyon na ibinigay sa kanya kahit na nakapagpagamot ito sa isang tanyag na ospital at ngayo’y nasa mabuting kalagayan na.

 

 

Facebook Comments