Lalaki literal na ‘nanlaban’ sa mga pulis na umaresto sa kanya

1062

Viral sa social media ang isang lalake na tila literal na ‘nanlaban’ sa mga pulis na umaresto sa kanya.

Sa isang video na kumakalat ngayon sa internet, makikita ang isang maskuladong lalake na tila lasing at nakaposas habang nakikipagsagutan sa mga nakapaligid na tao sa kanya.

Ayon sa ilang ulat, inaresto ang lalaki matapos niyang araruhin ang tatlong taxi sa Timog, Avenue.

Sa halip na maging maamo dahil siya ay nakaposas na ay lalo pa itong naging maangas at naghamon pa ng suntukan, kahit ang mga pulis ay di nakaligtas sa kanyang paghahamon.

Upang mapatahimik ang suspek ay inutusan ng mga pulis na siya’y lumuhod, ngunit tumanggi ito sa pinapagawa ng otoridad kaya napilitan ang mga ito na pwersahang paluhurin ang lalaki.

Ngunit imbis na sumunod ng mahinon sa mga otoridad ay nagpumiglas pa ito na nag resulta sa pagkakasubsob ng suspek at ng isang pulis sa gilid ng police mobile.

Ngunit hindi inaakala ng mga netizens na magiging kalmado parin ang mga pulis matapos ang ginawa ng suspek.

Matapos ng insidente ay tila patuloy parin sa paghahamon ang suspek at tinatanong pa ang mga Pulis kung saan sila nag sanay dahil tila natalo sila ng lalaki sa pakikipagbuno.

Sa kasalukuyan, umabot na ng milyon-milyon ang nakakita ng viral video sa Facebook.

May ilang netizens din ang nagalit dahil sa pagiging ‘bastos’ ng suspek sa mga otoridad, sinasabi nilang dapat magpasalamat ito at naging kalmado parin ang mga umaresto sa kanya matapos ang kanyang ginawa.

Facebook Comments